^

Probinsiya

Sayyaf nagbigay ng taning

-

Itinakda ng mga bandi­dong Abu Sayyaf hang­gang Martes ang taning para sa P1 milyong ransom kapalit ng kalayaan ng natitirang bihag nilang tatlong empleyado ng Basilan Electric Cooperative sa Basilan.

Batay sa report, ang ultimatum ay ipinarating ni Abu Sayyaf Sub-Commander Nurhassan Jamiri sa pamamagitan ni Basilan Vice Governor Al Rasheed Ahmad Sakalahul sa pa­ngasiwaan ng Baselco at pamilya ng mga biktima.

Ang apat na nalalabi pang bihag ng mga ban­dido  ay nakilalang sina Eri­berto Singson, Paul Hel­wig, at Ian Herwig.  Ang isa pang kasa­mahan ng mga ito na si Ronnie Tan­siyung ay nauna nang pinalaya ng mga kidnappers  nang mabatid na isa rin itong Muslim mula sa lahi ng mga Yakan.

Noong Hunyo 26 ay kinidnap ng mga armadong Abu Sayyaf at ng ilang kasabwat nilang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front ang mga biktima sa Barangay Sinulatan, Tubu­ran, Basilan.

Sa isang radio interview, sinabi ni Rasheed na hang­gang Martes lamang ang ibinigay na taning ng mga kidnappers para maibigay ang nasabing ransom at kung hindi ay may mang­yayaring masama sa mga bihag.

Magugunita na inihayag ng BASELCO na hindi nila kayang bayaran ang nasa­bing ransom demand da­hilan malaki na ang pag­ka­lugi ng kanilang tangga­pan. (Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF SUB-COMMANDER NURHASSAN JAMIRI

BARANGAY SINULATAN

BASILAN

BASILAN ELECTRIC COOPERATIVE

BASILAN VICE GOVERNOR AL RASHEED AHMAD SAKALAHUL

IAN HERWIG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with