Ship owner itinumba
Pinagbabaril hanggang sa mapaslang ang isang ship owner ng mga armadong kalalakihan sa bisinidad ng
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Faustino Saavedra, may-ari ng Ever Lines Shipping Company na nagtamo ng apat na tama ng bala sa ulo at leeg.
Batay sa report ng Police Regional Office (PRO)-9, dakong alas-6 ng gabi nang maganap ang krimen sa bahagi ng Barangay Canelar.
Nabatid na galing sa simbahan ang biktima kasama ang asawa nito at pauwi na nang harangin ng mga di-pa kilalang lalaki na sakay ng motorsiklo.
Agad na pinaputukan ang biktima habang masuwerte namang nakaligtas ang kaniyang misis.
Nagsasagawa na ng follow-up operation sa pinagkukutaan ng mga killer.
- Latest
- Trending