^

Probinsiya

Quezon ambush: Brodkaster dedo

-

QUEZON – Isa na namang mamamaha­yag ang iniulat na na­paslang habang ma­lubha naman ang kan­yang anak na babae ma­karaang tamba­ngan ng mga ‘di-kila­lang kala­lakihan ang mga biktima sa bahagi ng Barangay Lutucan Malabag sa bayan ng Sariaya, Que­zon ka­ma­kalawa.

Walong bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Fausto “Bert” Sison, 58, brodkaster (block­timer) ng dzAT sa Lu­cena City, correspondent ng Eyewatch News­paper at resi­dente ng Barangay Guisguis.

Malubha naman si Liwayway Andaya, 30, na nagtamo ng dala­wang tama ng bala sa likuran at braso, ha­bang nakaligtas na­man ang isa pang anak ni Fausto na si Almira Pangani­ban, 24, mata­pos mag­kunwaring patay.

Sa pahayag ni P/Chief Inspector Laude­mer Llaneta, police chief sa nabanggit na bayan, papauwi na ang mag-aama sakay ng kulay asul na Toyota Corolla (PEU 887) nang hara­ngin at rat­ratin ng dala­wang ‘di-pa kilalang la­laki na sakay ng motor­siklo.

Nang bumangga sa puno ng niyog ang sa­sakyan ng mga biktima ay nilapitan pa at mu­ling pinagbabaril.

Nagawa pang iha­rang  ng  brodkaster ang kan­yang katawan upang saluhin ang bala para sa kanyang dalawang anak.

Nagkunwang patay naman si Almira ha­bang nakatakbo pala­bas ng kotse si Liwayway subalit si­nundan at pinagba­baril ng isa sa killer. Inaalam ng pu­lisya kung may ka­ug­nayan sa tra­baho ng mga biktima ang na­ga­nap na krimen. Dagdag ulat ni Joy Cantos

ALMIRA PANGANI

BARANGAY GUISGUIS

BARANGAY LUTUCAN MALABAG

CHIEF INSPECTOR LAUDE

EYEWATCH NEWS

FAUSTO

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with