4 dedo sa landslide

CEBU – Apat-katao ang iniulat na namatay makaraang matabunan ng lupa ang ilang kabahayan sa gilid ng national road sa Sitio Escaltam sa Barangay Poblacion, Samboan, Cebu noong Linggo ng gabi.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Florenz Galla, 30; Nathaniel Cañete, 4; Errol Cañete, 2; at si Edwin Galla Jr., 1.

Ginagamot naman sa MJ Cuenco District Hospital sa bayan ng Malabuyoc, ang asawa ni Galla na si Edwin Galla Sr., at dalawa pa nilang anak na sina si Rowella Galla, 4; Ritchell Galla, 3; kapatid na si Judith Galla, 27; at mga kapitbahay na sina si George Caballero, 52; Richard Caballero,14; at Raymond Caballero,13.

Sa ulat ni SP01 Dominador Ferolino, gumuho ang gilid na katabi ng apat na tinitirhan bahay ng mga biktima matapos bumuhos ang malakas na ulan na pinaniniwalaang sanhi ng landslide.

Kaagad naman rumesponde ang mga kinauukulan kaya nasagip ang iba pang biktima

Ipinag-utos naman ni Samboan Mayor Raymund Joseph Calderon na ilikas ang mga natitirang residente sa mas ligtas na lugar at kasalukuyan nasa Poblacion Central Elementary School sa Barangay Poblacion. (Edwin Ian Melecio at Joy Cantos)

Show comments