CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Kamatayan ang naging kapalit ng isang misis na nakisakay lamang sa trak habang dalawang iba pa ang malubhang nasugatan makaraang mahulog sa bangin ang sasakyan ng mga biktima sa Barangay Mabini sa bayan ng Donsol, Sorsogon kamakalawa.
Nakilala ang nasawi na si Welhimina Tolosa, may asawa at residente ng Barangay Waling -Waling, samantala, ang dalawang sugatan na kaagad naman na isinugod sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ay nakilalang sina Ricky Macararanga at Johnny Barba.
Samantala, naaresto naman ang drayber ng truck na si Ramon Estabillo ng PCQ Construction at residente ng Barangay Batang, Ligao City.
Naitala ang insidente ganap na alas-3 ng ha pon makaraang mawalan ng kontrol ang truck (EAY-793) na bumabagtas sa kahabaan ng naturang lugar.
Napag-alamang kaagad na nakatalon ang drayber, subalit ang tatlong biktima ay kasama ng truck na nahulog sa bangin.
Sa kasalukuyan, ang drayber ay nakakulong sa himpilan ng pulisya at inihahanda na ang kaukulang kaso. (Ed Casulla)