^

Probinsiya

4 kawani ng Baselco pupugutan

- Danilo Garcia -

Nagbanta ang mga bandidong Abu Sayyaf Group na pupugutan ang apat na kawani ng Baselco kapag hindi nakapagbigay ng malaking halaga ng ransom ang nasabing kom­panya.

Napag-alamang tumaas na sa P2 milyong ransom ang hinihingi ng mga ban­dido kapalit ng paglaya ng mag-utol na sina Alberto at Emilberto Singson, at ang magkapatid din na sina Paul at Ian Helwig, pawang kawani ng Basilan Electric Cooperative (Baselco).

Una nang pinalaya ng mga bandido ang isang crewman ng Baselco na si Ronnie Tansiyung sa bahagi ng Sitio Batu-babat, Tuburan kung saan din nila dinukot ang mga ito noong Huwebes ng Hunyo 26 habang nagbabasa ng mga metro ng kuryente at repair work.

Sa unang kahilingan  ng mga kidnaper na pinamu­munuan ni Sayyaf Kuman­der Nur Hassan Jamiri at Usi Hassin ng Moro Islamic Liberation Front, aabot sa P1 milyon ransom, subalit itinaas sa P2-milyon sa gitna ng pakikipagne­go­sasyon ng mga pribadong grupo.

Umapela naman ang Baselco manager na si Alfredo Oyao na paka­walan na ang mga biktima dahil wala silang maiba­bayad.

Ayon sa ulat, ang grupo ni Jamiri ay nasa likod din ng pagdukot sa Italian priest na si Fr. Giancarlo Bossi noong Hunyo 10 at pinalaya sa loob ng 41-araw matapos magbayad ng ransom.

ABU SAYYAF GROUP

ALFREDO OYAO

BASELCO

BASILAN ELECTRIC COOPERATIVE

EMILBERTO SINGSON

GIANCARLO BOSSI

HUNYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with