5 NPA dedo sa encounter

Limang rebeldeng New People’s Army ang iniulat na napaslang sa  isina­gawang follow-up operation ng mga awtoridad matapos na sala­kayin ng mga ito ang dala­wang is­tas­yon ng pulisya sa Siar­gao Island sa Surigao de Norte, kahapon.

Pansamantalang bine­beripika ang pagkikilanlan ng mga napatay na re­belde.

Ayon kay Maj. Armand Rico, spokesperson ng East­ern Mindanao Command (East­­mincom), isina­gawa ang ope­rasyon ma­tapos salakayin ng mga rebelde ang himpilan ng  pulisya sa Dapa at Ge­neral Luna.

Isa sa mga pulis sa him­pilan ng General Luna na si PO1 William Montilla Day­day ang malubhang nasuga­tan sa pagsalakay ng mga rebelde lulan ng pumpboat kama­kalawa ng gabi.

Tinangay ng mga re­belde ang limang baril at communi­cation equipment sa nabang­git na presinto bago nagsi­takas.

Sa Dapa PNP station, tina­ngay ng mga rebelde ang pitong baril bago nila niransak ang fire station, water district, Bureau of Internal Revenue, Phil­ health, Social Security Sys­tem at court rooms. (Danilo Garcia)

Show comments