DILG officer dedo sa 4-adik
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang isang opisyal ng Department of Interior and Local Government ng mga kalalakihan na pinaniniwalaang lango sa bawal na gamot sa loob ng inuupahang kuwarto ng biktima sa Barangay San Isidro Norte sa bayan ng Lagonoy, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na si Josel Arnedo, 35, ng Barangay Tula-Tula,
Ilegal rekruter tiklo
Sinibak na sekyu pumatay
RIZAL – Sa matinding hinanakit sa pagkakatanggal bilang guwardiya sa kompanyang pinagtatrabahuhan ay nabaril at napatay nito ang isang 40-anyos na bagong sekyu na ipinalit sa kaniyang puwesto kamakalawa sa Tanay, Rizal. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Edwin Escartin, sekyu ng Titan Cement Corp at residente ng Sitio Balimbing, Brgy. Plaza Aldea ng nasabing bayan. Samantala, naaresto naman ang suspek na si Ronald Liberto, 30, ng Paradahan 2, Tanza, Cavite.Sa ulat ng pulsya, tinungo ng suspek na lango sa alak ang dati nitong pinagtatrabahuhan at naabutan ang biktimang pumalit sa kanya bilang sekyu.Kinompronta ng suspek ang biktima hanggang sa nauwi sa pambubuno at tinangkang bunutin ni Escartin ang kanyang baril subalit naagaw ito ng suspek saka pinutukan sa dibdib.Naabutan naman ng puilsya ang suspek sa kanyang barracks habang nagliligpit ng mga damit at tangkang takasan ang krimen. Edwin Balasa
- Latest
- Trending