Pharmacist ni-rape slay

CAVITE – Hinalay muna saka pinaslang ang isang 20-anyos na pharmacist habang nasa kritikal na kalagayan ang kasamahan nito makaraang looban ang isang parmasya ng mga ‘di-pa kilalang kalala­kihan sa Barangay San Francisco sa bayan ng General Trias Cavite kamakalawa ng madaling-araw.

Walang saplot sa pang-ibabang katawan nang matagpuang patay si Nicky Magbago ng Blk 15 Lot 5 Tropical Village sa nabang­git na barangay, habang ginagamot naman ang kasama nitong si Kris­tina Calacin, 16.

Sa inisyal na imbesti­gasyon ni SPO1 Jennifer Cabignas, nakapasok ang mga kawatan sa likurang bahagi ng Precious Gift Pharmacy sa nasabing subdivision.

Napag-alamang naka­ranig ng kakaibang ingay sa loob ng nabanggit na parmasya ang ilang kapit­bahay ng mga biktima su­balit binalewala nila ito dahil na rin sa kasagsagan ng ulan.

May palatandaang hina­taw ng bakal sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima.

Show comments