LIPA CITY, Batangas – Kinarit ni kamatayan ang isang barangay councilor makaraang ratratin ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan sa Barangay Pinagkawitan, Lipa City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni P/Supt Prudencio Legaspi, hepe ng Lipa City PNP, ang biktimang si Kagawad Jacinto Mendoza, 47, ng nabanggit na barangay. Ayon sa police report, nagkakabit ng trapal ng jeep ang biktima sa harap ng kanyang bahay habang umuulan nang lapitan at pagbabarilin ng dalawang ‘di-kilalang armadong lalaki na sakay ng motorsiklo. Arnell Ozaeta
Pumalag sa holdap dinedo
Isang babaeng overseas Filipino worker na pinaniniwalaang pumalag sa holdap ang binaril sa ulo at napatay ng dalawang kalalakihang nakamotorsiklo sa bayan ng Camiling, Tarlac kahapon. Batay sa police report na nakarating sa Camp Crame, kasama ng biktimang si Susan Alonzo, ang kanyang anak sa tapat ng convenience store sa Bgy. Poblacion nang lapitan at holdapin ng dalawang lalaki. Gayon pa man, nanlaban ang biktima nang sapilitang inaagaw ang kanyang bag kaya napilitang siyang barilin sa ulo. Nakulimbat ng mga tumakas na holdaper ang P.3 milyon cash, alahas, 2 celfone na laman ng bag ng biktima. Sa follow-up operation ng pulisya, nasakote sa mga suspek na sina Ricardo at Mark Joseph de Guzman sa bisinidad ng highway ng San Clemente, Tarlac. Joy Cantos