2 truck nagsalpukan;5 patay, 6 sugatan

SAN ILDEFONSO, Bu­lacan – Lima katao ang patay habang anim pa ang nasa malubhang kalaga­yan matapos magsalpukan ang dalawang truck sa ka­habaan ng National Highway sa Barangay Maasim sa bayang ito  kahapon ng madaling-araw.

Batay sa imbestigasyon ng San Ildefonso Police, binabagtas ng Isuzu Forward na may plakang WEB-265 na may lulang mga buko ang kalsada pa­paluwas ng Maynila nang bigla na lamang itong sal­pukin ng isa pang Isuzu Forward Truck na may plakang REZ-394 na may lulang mga isda habang patungo naman ito sa Cabanatuan City, bandang ala-1:45 ng madaling-araw kahapon.

Ayon sa pulisya, dead- on-the-spot ang sakay ng trak ng buko na sina Jimmy Rosete, Benedict Rosete at Ronnie Mandas habang nasa malubha namang kalagayan sina Danny Rosete at Ron-ron San­ tos, pawang mga resi­dente ng Matawi, Dingga­lan, Aurora

Namatay din ang sakay ng trak ng isda na pa­tungong Cabanatuan City na sina Gabby Bulang­hagui at Christian Carasco. Nasa kritikal na kalagayan ang driver nitong si Salvador Pedoco at mga pa­hinanteng sina Jonathan Manalo, Rene Manlusok at isang alyas Aldrin.

Ayon sa pulisya, wasak ang dalawang truck dahil sa salpukan matapos ma­wala sa linya at suyurin ng truck ng isda ang kasa­lubong na truck ng buko.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide, multiple serious phy­sical injuries at damage to property  si Pedoco.

Show comments