Pulis utas sa kumpare

Napaslang ang isang 36-anyos na pulis makaraang pagbabarilin ng kanyang kumpare sa Barangay Pahinga Norte sa bayan ng Candelaria, Quezon kamakalawa ng gabi.

Idinek­larang patay sa Mt. Carmel District Hospital sa Lucena City si PO2 Rommel de Villa, nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa ba­yan ng Boac, Marinduque.

Tugis naman ng mga awtoridad ang suspek na si Alexander Esguerra, 39. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na magkasamang nag­ha­hapunan ang biktima at misis nito nang pumasok sa kanilang bahay ang suspek. “Pare, pati asawa ko tinalo mo,” galit na tinu­ran ng suspek saka niratrat ang kanyang kumpare. (Joy Cantos)

Show comments