Nakubkob ng tropa ng militar ang malaking kampo ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na ikinasawi ng tatlong opisyal ng rebelde habang tatlo pang sundalo ang nasugatan sa isinagawang operasyon kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Quezon, Bukidnon.
Kabilang sa mga napatay na opisyal ng NPA ay nakilala lamang sa alyas Ka Grace ng Komid medical staff; Ka Tonio at Ka Jeff na kapwa Ordnance Staff.
Sa pahayag ni Army Spokesman Lt. Col. Romeo Brawner Jr., sinalakay ng Army’s 29th Infantry Battalion ang pinagkukutaan ng mga rebelde sa bulubunduking bahagi ng Tinupungan sa Barangay Sta. Cruz.
Dalawa hanggang tatlong oras ang itinagal ng bakbakan hanggang sa magsiatras ang mga rebelde matapos na malagasan ng tatlong opisyal at ‘di-nabatid na sugatan
Narekober ng militar ang M 16 rifle, M 14 rifle, PAL 7.62 rifle, Asus laptop, USB hi-speed, dalawang gaps ng 76 garmin, walong landmines, tatlong sako ng sangkap sa paggawa ng bomba at isang heavy duty Robin R650 generator at camp printer. Joy Cantos