^

Probinsiya

NPA camp nakubkob; 3 rebelde todas

-

Nakubkob ng tropa ng militar ang malaking kampo ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na ikinasawi ng tatlong opisyal ng rebelde habang tatlo pang sundalo ang nasu­gatan sa isinagawang ope­rasyon kahapon ng mada­ling-araw sa bayan ng Quezon, Bukidnon.

Kabilang sa mga napa­tay na opisyal ng NPA ay nakilala lamang sa alyas Ka Grace ng Komid medical staff; Ka Tonio at Ka Jeff na kapwa Ordnance Staff.

Sa pahayag ni Army Spokesman Lt. Col. Romeo Brawner Jr., sina­lakay ng Army’s 29th Infantry Battalion ang pinag­kukutaan ng mga rebelde sa bulu­bun­duking bahagi ng Tinu­pungan sa Ba­rangay Sta. Cruz.

Dalawa hanggang tat­long oras ang itinagal ng bakbakan hanggang sa magsiatras ang mga re­belde matapos na malaga­san ng tatlong opisyal at ‘di-nabatid na sugatan

Narekober ng militar ang M 16 rifle, M 14 rifle, PAL 7.62 rifle, Asus laptop, USB hi-speed, dalawang gaps ng 76 garmin, walong land­mines, tatlong sako ng sangkap sa paggawa ng bomba at isang heavy duty Robin R650 generator  at camp printer. Joy Cantos

ARMY SPOKESMAN LT

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

KA GRACE

KA JEFF

KA TONIO

NEW PEOPLE

ORDNANCE STAFF

ROMEO BRAWNER JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with