CEBU – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 35-anyos na lalaki ng sariling kuya sa loob ng sabungan sa Barangay Calape sa Daanbantayan, Cebu noong Sabado. Kinilala ni PO3 Dennis Velez, ang biktima na si Arnaldo Dapat ng Sitio Fatima sa Barangay Bagay sa bayan ng Daanbantayan habang kinilala naman ang suspek na si Andres, 48. Ayon kay PO3 Velez, dumayo ang biktima sa nabanggit na barangay dahil na rin sa kapistahan at habang nasa sabungan ay bigla itong nilapitan at inundayan ng saksak sa likod ng suspek hanggang sa mamatay. Napag-alaman na may kinikimkim na galit ang suspek laban sa kapatid matapos na masaksak ng biktima ang suspek noong Pebrero sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo. Pormal naman kinasuhan habang nakakulong ang suspek na naaresto nina SPO2 Carlo Condino at PO3 Manuel Mata. Edwin Ian Melecio