UP stude todas sa Pajero

ANTIPOLO CITY  — Na­ging palaisipan sa mga im­bestigador ng pulisya ang pag­kamatay ng isang 19-an­yos na estudyante ng Uni­ver­si­ty of the Phils. (UP) ma­ka­raang matagpuan itong nasa ilalim ng Mitsubishi Pa­jero na nakaparada sa ha­rap ng kanilang bahay sa Coger Village, Antipolo City, Rizal kahapon ng umaga.

Sa ulat ni P/Senior Insp. Rhonie Ariola, hepe ng PCP2, isa sa anggulong sinisilip ng pulisya ay si­nadya ang pagkamatay ng biktimang si Ma. Lourdes Pagauitan matapos ma­diskubre ng kanyang mga kaanak ang bangkay nito sa ilalim ng pag-aaring Pajero (NGO-356). Sa inisyal na imbestigasyon, lumilitaw na posibleng naatrasan ng sariling sa­sakyan ang biktima dahil sa mga bakas ng gulong sa katawan nito. Kasaluku­yang inaalam ng pulisya kung may kasama at saan nanggaling ang biktima bago matagpuan ang bang­kay nito. Edwin Balasa

Show comments