UP stude todas sa Pajero
Sa ulat ni P/Senior Insp. Rhonie Ariola, hepe ng PCP2, isa sa anggulong sinisilip ng pulisya ay sinadya ang pagkamatay ng biktimang si Ma. Lourdes Pagauitan matapos madiskubre ng kanyang mga kaanak ang bangkay nito sa ilalim ng pag-aaring Pajero (NGO-356). Sa inisyal na imbestigasyon, lumilitaw na posibleng naatrasan ng sariling sasakyan ang biktima dahil sa mga bakas ng gulong sa katawan nito. Kasalukuyang inaalam ng pulisya kung may kasama at saan nanggaling ang biktima bago matagpuan ang bangkay nito. Edwin Balasa
- Latest
- Trending