Dasal para sa 4 na dinukot

KIDAPAWAN CITY – Da­sal ang hiling ngayon ng mga opisyal at miyembro ng Minda­nao Peoples’ Caucus, isa sa pina­kamalaking grupo ng mga peace advocates sa Minda­nao, para mapalaya sa lalong madaling panahon ang kani­lang chairman na dinukot ng mga bandidong Abu Sayyaf Group kahapon sa bayan ng Maimbung, Sulu.

Sa pahayag ni Atty. Mary Ann Arnado, executive director ng Initiatives for International Dialogue (IID) at isa sa mga con­vener ng MPC, mag­sa­sama-sama ang mga peace advocates para sa inter-faith prayer sa campus ng Ateneo sa Davao City.

Dasal ng mga peace advocates na mapalaya nang wa­lang kondisyon si MPC Chairman Prof. Octavio Dinampo ng Mindanao State University.

Maliban kay Dinampo, ka­sa­ ma ring dinukot ng Abu Say­yaf Group ang tatlong ABS-CBN  news personality na sina Ces Drilon at dala­wang came­raman kabilang na si Jimmy Encarnacion.

Ang pagdukot ay kinum­pirma mismo ni P/Chief Supt. Joel Goltiao, police director ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Naganap ang pagdukot bandang alas-11 ng umaga sa bisinidad ng Sitio Kulasi, sa bayan ng Maimbung.

Ito na ang ikalawang pag­ka­kataon na may kinidnap na reporter ng ABS-CBN sa Sulu.

Matatandaang kinidnap ng Abu Sayyaf ang ABS-CBN  reporter  na si Maan Macapa­gal at cameraman nitong si Val Cuenca. Malu Manar

Show comments