^

Probinsiya

P50-M livelihood pinamudmod

-

LUCENA CITY, Quezon - Umaabot sa  P50 milyong halaga ng pondo ang ipi­namudmod ni Quezon Governor Raffy P. Nantes sa may 1,242 barangay, 39 munisipalidad at 2 lungsod upang gamitin sa livelihood project.

Bahagi ng 20% development fund ng probin­sya ang nasabing pondo upang isulong ang proyek­tong “One Town One Product.”  Ninanais ng opisyal na madagdagan ang mga si­kat na produkto ng Quezon katulad ng coco vodka ng Tayabas City, ginger tea (salabat) ng Dolores, Que­zon, coco jam ng Tiaong na ini-export na sa Middle East, ibat-ibang klase ng buri bags, ang pamusong Longganisa at pancit hab­hab ng Lucban.

Sinu­portahan naman ng lokal na Department of Trade and Industry (DTI) ang nabanggit na proyekto at maging si provincial manager Marcie Alcantara ay nakahandang magbigay ng technical assistance para sa product develop­ment.Tony Sandoval

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

MARCIE ALCANTARA

MIDDLE EAST

ONE TOWN ONE PRODUCT

QUEZON

QUEZON GOVERNOR RAFFY P

SHY

TAYABAS CITY

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with