‘Wrong suspect’ – solons
Kinondena kahapon ni Bayan Muna Rep. Teodoro Casiño ang National Capital Region Police Office dahil sa pagdakip sa isang maling suspek sa paghoholdap at pamamaslang sa isang sangay ng Rizal Commercial Banking Corporation sa Cabuyao, Laguna noong nakaraang buwan.
“Lagi yang nangyayari kapag napupuwersa silang magpakita ng resulta,” sabi ng militanteng kongresista.
Pinuna ni Casiño na walang kapupuntahan ang pagtangan ng NCRPO sa RCBC case.
Kahit si Bayan Muna Rep. Satur Ocampo ay nagpahayag ng paniniwala na nagkaroon ng malaking pagkakamali ang Philippine National Police nang arestuhin nito at isangkot sa kaso sa RCBC ang dating sundalong si Ex-Sgt. Ricardo “Edgar” Gomolon. Sinabi pa ni Ocampo na naging rekord na ng PNP ang pagdakip sa mga maling suspek sa krimen.
Naunang inihayag ni NCRPO Director Geary Barias na nalutas na ang RCBC robbery-murder case sa pagkakaaresto kay Gomolon.
Pero nagprotesta ang mga kaibigan at kamag-anak ni Gomolon kasabay ng paggigiit na isa siyang mabuting tao.
Iginigiit naman ni Barias na positibong itinuro si Gomolon ng isang siyam na taong gulang na batang babae.
Nabatid na si Gomolon ay nagtatrabaho bilang maintenance man sa isang consular water services cooperative at isang barangay tanod sa gabi. Nag-aaplay din siyang muli para makabalik sa serbisyo.
Samantala, isa umanong lookout ng mga suspek sa RCBC robbery-murder case ang sinurot ng kunsiyensiya at ikinanta na ang krimen.
Nasakote ng pulisya sa Baras, Rizal ang naturang lookout na itinago sa alyas na Roger.
Itinuro ni Roger si Pepito Magsino na nag-recruit sa kanya upang magsilbing lookout sa panghoholdap sa RCBC na ikinasawi ng 10 katao.
Si Magsino ang isa sa mga hinihinalang miyembro ng robbery group na napaslang ng Task Force RCBC sa kanilang follow up operation sa
- Latest
- Trending