^

Probinsiya

LPG blast: 4 mag-aama sugatan

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Isang 36-anyos na trader at tatlo sa kanyang anak ang iniulat na nasu­gatan makaraang su­mabog ang tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) sa loob ng kani­lang bahay sa Ba­rangay Sapa 4, sa ba­yan ng Rosario, Cavite noong Martes ng ma­daling-araw.

Naisugod naman sa St. Martin Hospital ang mga biktimang si Vi­gil­do Bombita, mga anak nitong sina Brent,13; Bryan, 11; at Biron, 7.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Hernando Zafra, Cavite police director, nagmula ang pag­sabog sa sumingaw na LPG tank na naiwang bukas mata­pos mag-spark ang nai­wang VCD player ban­dang alauna ng ma­daling-araw.

Sa panayam ng PSNgayon kay Zafra, itinuwid nito ang na­unang  deklarasyon sa radio interview na nag­mula ang pag­sabog sa isang cigarette lighter.

“Ang una kasing na­ka­rating sa aking report ay sa lighter daw nag-mula ang pagsabog pero sa isina­gawa pang imbes­tigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ay sa naiwanan daw na DVD player ang posi­bleng pi­nagmulan ng ignition,” paliwanag ni Zafra.

Napag-alamang na­tu­tulog ang mga bik­tima nang maipon sa loob ng ka­nilang bahay ang su­mi­ngaw na gas mula sa LPG at biglang sumam­bu­lat nang mag-spark naman ang DVD player na na­i­wan din nilang na­kabu­kas. Arnell Ozae­ta, Cris­tina Timbang at Joy Cantos

vuukle comment

ARNELL OZAE

CAVITE

HERNANDO ZAFRA

JOY CANTOS

MARTIN HOSPITAL

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with