Kawatan tinodas ng pulis

ANTIPOLO CITY, Rizal – Napaaga ang salubong ni ka­matayan sa isang lalaking nanlaban at nang-agaw ng baril matapos mabaril ng pulis na rumesponde sa nagaganap na nakawan sa Barangay Mabugan, Antipolo City kamakalawa.

Napuruhan sa ulo ng bala ng baril si Michael Delos Reyes, ha­bang naaresto naman si Rommel Urguel, 27, kapwa re­sidente ng Sitio Maagay, Brgy.

Inarawan ng nabanggit na lungsod. Lumitaw na nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya matapos pagnakawan ng welding machine ang bahay ni Vivencio Dela Cruz, 61, ng Francisville Subd. 

Matapos na makakuha ng impormasyon na ang dalawang suspek ay nagkukuta sa nasabing lugar ay kaagad na rumesponde ang ilang pulisya.

Subalit nang poposasan na ni PO1 Ernesto San Vicente, si Delos Reyes ay nanlaban ito at tinangkang agawin ang 9mm na service firearm ng pulis kaya nagpambuno ang dalawa hanggang sa mapatay si Michael. (Edwin Balasa)

Show comments