^

Probinsiya

Naiibang pagdiriwang ng kalayaan sa Cavite

-

CAVITE – Matapos simulan ang Kalayaan Festival 2008 sa Cavite noong ika-28 ng Mayo na may temang “Isang Cavite. Makasaysayan. Matapang. Maunlad!”, puspusan naman ang ginagawa para sa dalawang ling­gong pagdiriwang kung saan itatampok ang Katapangan ng Kabitenyo Noon, Ngayon at Bukas sa naiibang pagtatanghal-ang Kalayaan Diorama na pangu­ngunahan ng mga kilalang artista at personalidad sa teatro at musika.

Sa ika-12 ng Hunyo, mistulang pagbabalik sa ka­say­sayan ang mala-higanteng produksyon sa Aguinaldo Shrine sa Kawit kung saan aabot sa 300 artista sa kanilang makalumang kasuotan ang gaganap sa mga pangyayari noong 1898 sa pama­magitan ng pinaghalong awit, sayaw at teatro.

Kabilang sa magtatanghal ang mang-aawit na sina May Bayot, Jett Pangan ng “The Dawn” at ang batikang artista ng teatro na sina Noni Buencamino at Robert Seña. Makikibahagi naman bilang tagapagpadaloy ng programa sina Ailyn Luna, Jericho Rosales at Miss International 2005 Precious Lara Quigaman.

Kasabay ng pagdiriwang sa Hunyo 12, ilulunsad din ang ba­ong tatak ng Cavite upang ipakilala ang natatanging kultura, mamamayan at produkto nito. Gaganapin din ang taunang float parade at street dance exhibition na lalahukan ng iba’t ibang munisipyo at lungsod.

AGUINALDO SHRINE

AILYN LUNA

CAVITE

HUNYO

ISANG CAVITE

JERICHO ROSALES

JETT PANGAN

KABITENYO NOON

KALAYAAN DIORAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with