PDEA agent nilikida

CEBU CITY – Niratrat at napatay ng mga armadong kalalakihan ang isang agent ng Philippine Drug Enforcement Agency-7 sa kahabaan ng Basak Road sa Barangay Basak, Lapulapu City noong Biyernes na gabi.

Sa ulat ni SPO2 Rolito Jumaoas ng Lapulapu City PNP, napuruhan sa leeg at ulo ang biktimang si Fire Officer 3 Prescillano Gingo­yon, Jr.

Naaresto naman ng pu­lisya ang dalawang suspek na sina Michael Baclohan, 26, ng Sitio Colo, Barangay Pajac at Romulo “Amay” Soronio, 38, ng Barangay Bangkal, Lapulapu City.

Si Soronio ay sumuko matapos na malamang isi­nasangkot ang kanyang pa­ngalan sa krimen bagaman inamin nitong minsan na silang nagkagalit ni Gingo­yon, habang si Baclohan naman ay dinakip sa pangu­nguna nina P/ Senior Insp. Condrado Manatad; P/Supt. Rex Derilo at Randy Pe­droso ng PDEA-7.

Ang biktima na nasuga­tan ang kasamang si Paner Cacha ay tinambangan habang sakay ng kotse papauwi sa nabanggit na barangay. Pinasinungali­ngan naman ng mga suspek ang mga akusasyon ng pulisya subalit pormal pa rin silang kakasuhan. Edwin Ian Melecio at Joy Cantos

Show comments