Iloilo  tutulungan

Ipinangako kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na tutulungan ng gobyernong makabangon ang Iloilo matapos salantain ito ng bagyong si Cosme.

Matapos batiin ni Pangulong Arroyo si Iloilo Gov. Neil Tupas na dumalo sa Local Peace and Security Assembly sa Bacolod City ay ipinangako ng chief executive na tutulungan ng pamahalaan ang Iloilo.

Sinabi ng Pangulo, maraming pamilya ang napinsala ni Cosme kaya magpapadala agad siya ng tulong para ma­num­balik ang kaunlaran sa Iloilo tulad ng lagi niyang gina­gawa saan mang lalawigan mayroong kalamidad.

Nakatakdang dalawin naman ngayon ng Pangulo ang Zambales na matindi ring napinsala ng bagyong si Cosme. (Rudy Andal)

Show comments