Abogado ng alkalde nilikida

CEBU CITY — Niratrat at na­patay ang tumatayong abogado ng Lapu-Lapu City mayor ng dalawang ‘di-pa kilalang lalaki habang nag­mamaneho ng kanyang sa­sakyan sa kahabaan ng V. Sotto Street, Barangay Ti­nago sa Cebu City, Cebu  kahapon ng umaga.

Napuruhan sa ulo ng bala ng baril si Atty. Richard William “Dick” Sison mata­pos pagbabarilin ng mga kalalakihang naka­motorsiklo habang naka­hinto sa kala­gitnaan kal­sada dahil sa traffic stop signal.

Si Sison ay tumatayong legal counsel ni Lapu-Lapu City Mayor Arturo Radaza dahil sa kasong admi­nis­tratibo kaugnay sa overpriced lamppost na kung saan kabilang sa kinasu­han ng Ombudsman ay ang dating mayor ng Mandaue City na si Thadeo Ouano at ang 17 matataas na opisyal ng DPWH-7.

Nakarekober ng 14 bas­yo ng bala ng  9mm at wa­long slugs sa crime scene partikular na ang bag ng biktima na may baril at mga papeles sa kasong pinang­hahawakan.

Kaagad naman bumuo ng Task Force Sison si P/Supt. Patrocinio Comen­dador, provincial police director. Edwin Ian Melecio

Show comments