^

Probinsiya

Shootout: Suspek sa masaker dedo

-

Napaslang sa shoot­out ang pangunahing suspek sa Calamba massacre makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa bahagi ng Barangay Hornalan sa Calamba City, Laguna kahapon ng hapon. 

Kinumpirma kaha­ pon ni Director General Avelino Razon Jr.,  ang pagkakapatay sa sus­pek na si  Bernabe “Abe” Defiesta, 29.

Ayon sa ulat, sina­lakay ng pulisya ang pinagtataguan ni De­fiesta sa lumang bahay na pag-aari ng kani­yang tiyuhing si ex-SPO4 Florencio Pe­ria sa na­banggit na barangay.

Sa halip na sumuko ay nakipagbarilan ang suspek sa mga tumu­tugis ng pulisya.

Narekober sa pi­nang­yarihan ng krimen ang M16 Armalite rifle naman ni ex-SPO4 Pe­ria na ginamit ni De­fiesta sa pamamaslang sa walo-katao.

Kaugnay nito, por­mal na kinasuhan si Peria matapos na su­mabit sa krimeng isi­nagawa ni Defiesta. 

Magugunita na 8-katao ang kumpirma­dong nasawi kabilang ang limang bata ha­bang anim pa ang na­sugatan matapos na ratratin ni Defiesta kamakalawa ng mada­ling-araw.

Lumutang naman sa pagsisiyasat na vendetta ang isa sa mga pangunahing motibo sa pamamaslang dahil sa sinasabing madalas na panlalait ng mga bik­tima laban kay Defiesta. Joy Cantos

BARANGAY HORNALAN

CALAMBA

DEFIESTA

DIRECTOR GENERAL AVELINO RAZON JR.

FLORENCIO PE

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with