^

Probinsiya

Bus terminal pinasabog

-

COTABATO CITY – Lima-katao ang iniulat na sugatan makaraang su­mabog ang bomba na itinanim sa labas ng gate ng terminal ng bus sa Jose Lim Street, Ki­da­pawan City kama­ka­lawa ng gabi. Kabi­lang sa mga sugatan ay sina Joseph Ere, dray­ber ng aircon bus (MVK484); Leopoldo Ca­banog, security guard at ang tat­long ‘di-pa kilalang la­laki. Inako naman ng Hez­­bollah Group, ang pam­bobomba sa terminal ng People’s Transport na dating Weena Bus Liner, ayon sa may-ari ng terminal na si Digoy Valde­viezo.

Sa pinakahuling in­sidente ng pambobom­ba noong nakalipas na bu­wan sa Midsayap at Co­tabato City, humi­hingi na ng P1 milyong protection money ang grupo ng Hez­bollah, pahayag pa ni Valde­viezo.

Gayon pa man, hindi rin inaalis ng pulisya ang posibilidad na awayan sa negosyo ang isa sa mo­tibo ng pagpapasa­bog. Malu Manar

DIGOY VALDE

HEZ

JOSE LIM STREET

JOSEPH ERE

LEOPOLDO CA

MALU MANAR

SHY

WEENA BUS LINER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with