Kalayaan Festival 2008

CAVITE – Magdiri­wang ng ikaapat na Kalayaan Festival ang lalawigan ng Cavite sa pangunguna ni Governor Ayong Maliksi sa Mayo 28 hanggang June 12. Kabilang sa mga okasyong masasaksi­han sa unang araw ng pagdiriwang ay ang pagwawagayway ng bandila sa Aguinaldo Highway simula alas-4 ng hapon sa SM Bacoor hanggang SM Dasma­riñas na lalahukan ng 8,000 residente. Sa May 29 - June 11, itatanghal sa tatlong SM mall sa Cavite ang  Sanggu­niang  Kabataan Federation at sa pagtatapos ng Kalayaan Festival sa June 12, masasaksihan ang pagsasabuhay ng deklarasyon ng kala­yaan sa Gen. Aguinaldo Shrine sa Kawit kung saan susundan ng pa­rada ng 23 bayan at lungsod sa kanilang streetdance exhibition.

Show comments