Pinaniniwalaang pinupugaran na ng masamang espiritu ang lalawigan ng Laguna kung saan walo-katao naman ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan kahapon ng madaling-araw sa Calamba City na inihalintulad sa RCBC massacre sa Cabuyao, Laguna.
Kabilang sa mga biktimang minasaker ang mag-asawang Jerry, 49; at Gloria Pili, 39; mga anak na sina Maryjane,12; Sarah, 9; at Juliana, 4; at ang mag-aamang Denis Balisong, 29; Gladys, 8 at si Gla dine Balisong, 7, pawang naninirahan sa Barangay Hornalan, Calamba City, Laguna.
Kasalukuyang ginagamot sa San Jose Trauma Center at Calamba Doctors Hospital sina Marina Balisong, 31; Denmark Balisong, 5; Aurelio Abanilla, 52; Vicente Redondo, 42; Cherry May Pili, 17; at si Erica Pili, 8.
Ayon kay P/Supt. Nestor Dela Cueva, Calamba City police chief, itinaong natutulog ang mga biktima sa kani-kanilang mga bahay nang ratratin ng nag-iisang suspek gamit ang M-16 Armalite rifle bandang alas-12:15 ng madaling-araw.
Samantala, tinukoy na kahapon ni P/Senior Supt. Felipe Rojas, provincial police director, ang suspek na si Allan Defiesta na pangunahing responsable sa krimen.
Si Defiesta ay pamangkin ng retiradong pulis na si SPO4 Florencio Peria.
Itinanggi naman ni Peria na may kinalaman siya sa krimen pero inamin na pag-aari niya ang tatlong magazine na narekober sa crime scene kung saan ninakaw ng kanyang pamangkin ang baril.
Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang magtiyuhing sina ret. SPO4 Florencio Peria at massacre suspect na si Allan Bernabe Defiesta na itinuturong salarin sa panibagong kaso ng massacre kahapon ng madaling-araw sa Calamba City, Laguna.
Sa kasalukuyan, tugis ng pulisya si Defiesta na responsable sa krimen.
Awayan sa lupa ang pangunahing si nisilip na motibo kaugnay sa naganap na masaker. (Dagdag na ulat ni Ed Amoroso)