^

Probinsiya

8 minasaker sa Calamba

-

Pinaniniwalaang pi­nupugaran na ng ma­samang espiritu ang lalawigan ng Laguna kung saan walo-katao naman ang pi­nag­ba­baril hanggang sa mapatay ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan kahapon ng madaling-araw sa Calamba City  na inihalintulad sa RCBC massacre sa Cabuyao, Laguna.

Kabilang sa mga biktimang minasaker ang mag-asawang Jerry, 49; at Gloria Pili, 39; mga anak na sina Mary­jane,12; Sarah, 9; at Juliana, 4; at ang mag-aamang Denis Bali­song, 29; Gladys, 8 at si Gla­ dine Balisong, 7, pa­wang naninirahan sa Barangay Hornalan, Calamba City, Laguna.

Kasalukuyang gina­gamot sa San Jose Trauma Center at Ca­lamba Doctors Hospital sina Marina Balisong, 31; Denmark Balisong, 5; Aurelio Abanilla, 52; Vicente Redondo, 42; Cherry May Pili, 17; at si Erica Pili, 8.

Ayon kay P/Supt. Nestor Dela Cueva, Calamba City police chief, itinaong natu­tulog ang mga biktima sa kani-kanilang mga bahay nang ratratin ng nag-iisang suspek ga­mit ang M-16 Armalite rifle bandang alas-12:15 ng madaling-araw.

Samantala, tinukoy na kahapon ni P/Senior Supt. Felipe Rojas, provincial police director, ang suspek na si Allan Defiesta na pa­nguna­hing respon­sa­ble sa krimen.

Si Defiesta ay pa­mangkin ng retiradong pulis na si SPO4 Flo­rencio Peria.

Itinanggi naman ni Peria na may kina­laman siya sa krimen pero inamin na pag-aari niya ang tatlong magazine na nare­kober sa crime scene kung saan nina­kaw ng kanyang pa­mang­kin ang baril.

Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang magtiyuhing sina ret. SPO4 Florencio Peria at massacre suspect na si Allan Bernabe Defiesta na itinuturong salarin sa panibagong kaso ng massacre kahapon ng madaling-araw sa Ca­lamba City, Laguna.

Sa kasalukuyan, tu­gis ng pulisya si Defiesta na  responsable sa kri­men.

Awayan sa lupa ang pangunahing si­ nisilip na motibo ka­ugnay sa naganap na masaker. (Dagdag na ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

ALLAN BERNABE DEFIESTA

ALLAN DEFIESTA

AURELIO ABANILLA

BARANGAY HORNALAN

CALAMBA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with