1,067 nurses ‘di-makakakuha ng NLE

BATAAN – Aabot sa 1,067 Nursing graduate na nagsanay sa la­hat ng sangay ng review center ang posi­bleng ‘di-makakuha ng Nurses Licensure Examination makaraang tangayin ng administrative officer ng North cap-Baguio ang P1.20 milyon filling fees na isusumite sana sa June 1- 2, 2008 na isasagawa ng Professional Regulatory Commision (PRC) sa Maynila.

Ayon kay Atty. Jose­phine Paguio, administrative officer ng North cap sa Bataan, uma­abot sa 313 Nursing graduates ang nag-review sa kanilang sa­ngay subalit hindi ma­kakakuha ng NLE dahil hindi naipasok ng administrative officer ng North cap Baguio na si Vivian Lazaro, ang mga dukomento at filling fee.

Lumilitaw na hindi lang North Cap Bataan ang nalinlang ni Lazaro kundi maging ang mga sangay sa Baguio City, San Fernando, La Union, Dagupan City, Laoag City, Cabana­tuan City.

Kaugnay nito, nag­petisyon ang mga mag-aaral at magulang kay Commissioner Dr. Leonor Rocero ng Professional Regulatory Commission PRC Manila na palawigin pa ang deadline ng filling ng application ng NLE.

Napag-alamang ki­nasuhan na ng mga ki­nauukulan si Vivian La­zaro, samantala, bi­na­wi naman ng DOLE ang li­sensya ng North cap da­hil sa nasabing es­kan­dalo. (Jonie Capalaran)

Show comments