1,067 nurses ‘di-makakakuha ng NLE
BATAAN – Aabot sa 1,067 Nursing graduate na nagsanay sa lahat ng sangay ng review center ang posibleng ‘di-makakuha ng Nurses Licensure Examination makaraang tangayin ng administrative officer ng North cap-Baguio ang P1.20 milyon filling fees na isusumite sana sa June 1- 2, 2008 na isasagawa ng Professional Regulatory Commision (PRC) sa Maynila.
Ayon kay Atty. Josephine Paguio, administrative officer ng North cap sa Bataan, umaabot sa 313 Nursing graduates ang nag-review sa kanilang sangay subalit hindi makakakuha ng NLE dahil hindi naipasok ng administrative officer ng North cap Baguio na si Vivian Lazaro, ang mga dukomento at filling fee.
Lumilitaw na hindi lang North Cap Bataan ang nalinlang ni Lazaro kundi maging ang mga sangay sa Baguio City, San Fernando, La Union, Dagupan City, Laoag City, Cabanatuan City.
Kaugnay nito, nagpetisyon ang mga mag-aaral at magulang kay Commissioner Dr. Leonor Rocero ng Professional Regulatory Commission PRC Manila na palawigin pa ang deadline ng filling ng application ng NLE.
Napag-alamang kinasuhan na ng mga kinauukulan si Vivian Lazaro, samantala, binawi naman ng DOLE ang lisensya ng North cap dahil sa nasabing eskandalo. (Jonie Capalaran)
- Latest
- Trending