Nene ni-rape slay ng adik na ama

Brutal na kamatayan ang sinapit ng 9-anyos na batang babae sa kamay mismo ng sariling adik na ama matapos halayin ay sinakal pa ang bata sa bayan ng Mabini, Batangas kamakalawa.

Pormal naman kinasu­han habang nakakulong ang  suspek na si Jose Her­nandez Matira ng Barangay Pulang Anahaw na na­banggit na bayan.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. David Quimio, Batangas police director, natagpuan ang bangkay ng biktima sa madamong bahagi may ilang metro ang layo sa kanilang bahay na walang saplot at nakatali ang mga kamay bandang alas-7:30 ng gabi.

Sa isinagawang im­bestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) natagpuan pang nakapulupot sa leeg ng biktima ang panty nito tanda na sinakal muna ito bago ginahasa.

Sa imbestigasyon ng pulisya, inamin naman ng suspek na hinalay nga niya ang sariling anak. (Arnell Ozaeta)

Show comments