^

Probinsiya

Mayor, vice mayor inambus

-

Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang dalawang mataas na opisyal ng lokal na pamahalaan subali’t na­patay naman ang kanilang escort na sundalo na ba­hagi ng reinforcement troops sa pananambang ng mga rebeldeng New Peo­ple’s Army (NPA) sa  bahagi ng Barangay Bangun sa bayan ng Gamay, Northern Samar kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga opisyal na sina Gamay Mayor Ti­moteo Capoquian at Vice Mayor Henry Gamba, ha­bang namatay naman si Private First Class Jemuel Lonzaga ng Army’s 63rd Infantry Battalion.

Ayon sa ulat na naka­rating sa Camp Crame, sina Capoquian at Gamba na ineeskortan ng mga tauhan ng Special Opera­ting Team ng Army’s 63rd IB mula sa piyestahan at kasalukuyang pauwi na nang tambangan ng mga rebelde habang buma­bagtas sa nasabing lugar.

Agad namang nagsa­gawa ng reinforcement ang iba pang  sundalo matapos radyuhan mula sa convoy ng mga biktima hinggil sa pananambang.

Gayon pa man, habang patungo sa nasabing lugar ay tinambangan din ang reinforcement troops ng mga sundalo ng blocking force ng mga rebelde na nakaposisyon sa Sitio Tugbo, Barangay Bato na ikinasawi ni Lonzaga.

Napilitan naman ang mga rebelde na magsiatras matapos na makipagpalitan ng putok sa mga sundalo. Joy Cantos

BARANGAY BANGUN

BARANGAY BATO

CAMP CRAME

CAPOQUIAN

GAMAY MAYOR TI

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with