Negosyante todas sa holdap
Isang negosyante ang pinagbabaril hanggang sa mapaslang matapos na manlaban sa dalawang armadong holdaper sa Pulilan, Bulacan kahapon ng tanghali.
Kinilala ni Sr. Supt. Allen Bantolo, director ng Bulacan Provincial Police Office, ang biktima na si Henry Liwanag , 35 anyos, residente ng Barangay Sampaloc, Baliuag ng naturang lalawigan.
Ayon sa imbestigasyon, hinarang ng mga armadong suspek ang nasabing negosyante at matapos itong tutukan ng baril ay agad na nagdeklara ng holdap.
Nanlaban naman ang nasabing biktima na tinangkang bumunot rin ng baril subali’t bago pa niya ito maiputok ay pinagbabaril na siya ng mga suspek.
Agad binawian ng buhay si Liwanag dahil sa mga grabeng tama ng bala sa kanyang katawan. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending