Gobernador ninakawan

CAMP SIMEON OLA , Legazpi City – Isang go­bernador ang nabiktima ng isang magnanakaw na kanyang pinagkakatiwa­laan na tauhan matapos na nakawin ang kanyang ATM card at nagwithdraw ng pera sa bangko kamaka­lawa ang umaga sa San Andres, Catanduanes.

Nakilala ang biktima na si Gov. Joseph Cua ng Ca­tanduanes at residente ng naturang lugar.

Samantala ang suspek na kaagad naman na nahuli ng mga awtoridad ay kini­lalang si Isagani Garcia, 30, may asawa, Account Assistant ng Eastern Island Shipping Line ng JC Cua Group of Company at residente ng Barangay Comagaycay ng naturang bayan.

Nabatid na nakapag-withdraw ang suspek ng P94,000 sa ATM account ng biktima makaraang na­kawin ito. (Ed Casulla)

Show comments