10 tiklo sa illegal fishing
CAMARINES NORTE – Sampung mangingisda ang dinakip ng mga tauhan ng Maritime police matapos maaktuhang gumagamit ng ipinagbabawal na maninipis na lambat sa pangingisda sa karagatang sakop ng Maculabo Islands sa bayan ng Paracale, Camarines Norte kamakalawa. Kabilang sa mga suspek na kinasuhan ay sina Hernan Mantes, Herminio Sintelisis, Roger Galang, Felix Mendis, Arnel Pascual, Rodel Bailon, Reynaldo Castillo, Renato Daviga, Sonny Marasigan at si Angel Borce. Ayon sa ulat, ang mga suspek ay lulan ng bangkang F/B Juliana Joyce na sa pag aari ni Joseph Salen na pinaniniwalaang kapatid ng vice mayor ng Paracale. Napag-alamang matagal nang inirereklamo ang mga suspek kaugnay sa paggamit ng bawal na lambat kaya umaskyon na ang mga awtoridad. Francis Elevado
- Latest
- Trending