SLEX tragedy: 2 dedo, 25 sugatan

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Dalawa-katao ang iniulat na na­matay samantalang da­lawamput limang iba pa ang nasu­gatan matapos mahulog sa bangin ang pampasa­herong bus sa South Lu­zon Expressway sa Ba­rangay San Vicen­te, San Pedro, Laguna noong Martes ng mada­ling-araw.

Kabilang sa mga na­sawi ay sina Asuncion Clemente, 40, ng Valen­zuela City at kawani ng Land Transportation Office sa Imus district regional office at Wilson Oliveros ng San Juan City.

Naisugod naman ang mga sugatan sa Evan­gelista Hospital at Family Care Hospital sa bayan ng San Pedro, Laguna.

Ayon sa ulat, bina­bagtas ng Jac Liner Bus (PWN-559) na minama­neho ni Avelino Morales ang kahabaan ng SLEX patungong Cubao mula sa Lucena City nang bang­gain sa likuran ng isang cargo truck (WTE-458) na minamaneho ni Florencio Oliveros pag­sapit sa Sitio Maligaya, Barangay San Vicente, San Pedro bandang alas-12:05 ng madaling-araw.

Dahil sa pagkaka­salpok at basa ang kal­sada, nawalan ng control ang bus kaya nagtuluy-tuloy na nalaglag sa bangin ng may lalim na 15-talampakan. Arnell Ozaeta at Ed Amoroso

Show comments