Cebu ambush: 3 bulagta
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Medase Castro, 44, ng Barangay Mantuyong, Mandaue City; Mias Magno, 45, ng Capt. V. Roa Street, Cagayan de Oro City at ang misis ni Mias na si Evelyn Magno, 41.
Sina Castro at Mias na kapwa miyembro ng swindling gang mula sa Davao City ay naaresto noong Huwebes ay kalalabas pa lamang ng kulungan matapos magpiyansa P20,000 base na rin sa mga dokumentong nakalap ng pulisya.
Samantalang, naisugod naman sa Perpetual Succour Hospital si Sgt. Henry Comandao ng Barangay Basak,
Ayon sa ulat, lulan ng kulay puting Hyundai van (GPZ-457) ang mga biktima na minamaneho ni Comandao nang dikitan at ratratin ng dalawang motorsiklong sakay ng gunmen.
Ayon kay SPO1 Geoffrey Gutual, si Mias ay inaresto matapos mamukhaan ng isa sa kanyang biktima ng P.3 milyon halaga ng alahas at dolyares.
Samantalang si Castro ay dinakip matapos suhulan ng P50,000 ang pulis sa Waterfront Police Station para makalaya si Mias.
Ayon sa hepe ng Theft and Robbery Section na si P/ Senior Insp. Michael Anthony Bas tes, posibleng may kaugnayan sa krimen ang trabaho ng dalawa dahil sa mga nakalap na impormasyon na si Mias ay kinaiinisan ng mga kasamahan sa sindikato ng pandarambong dahil sa partihan. Edwin Ian Melecio at Joy Cantos
- Latest
- Trending