Bata sinaksak, hinostage sa pier

PALOMPON, Leyte – Hi­ma­­lang nakaligtas  sa karit ni kamatayan ang isang 2-anyos  na batang lalaki na hinostage at sinaksak ng isang baliw sa terminal ng sasakyan maka­raang masa­gip ng mga awto­ridad sa ba­yan ng Palompon, Leyte ka­makalawa ng umaga.

Naisugod naman sa Ma­nuel Veloso Memorial Hospital ang biktimang si Jeffer­son Esmero y Oliraida su­ba­lit ini­lipat ito sa Ormoc Sugar Planters Association Farmers Medical Center (OSPA-FMC).

Nasakote naman ang hostage taker na si Fer­nando Palad y Malazarte, 35, ng Barangay Basud, San Isidro, Leyte.

Ayon kay P/Insp. Judito Cinco, ang biktima na ka­sama ang kanyang ama na si Joel at ang utol nitong si Aina Jobelle ay kababa pa lang ng barko mula sa Cebu City nang magdesisyong mag-almusal sa karinderya.

Habang nag-aalmusal ang mag-aama ay nilapitan at hinablot ng suspek ang biktima sabay na pinagsa­saksak.

Namataan naman ng drayber ng trike na si Ramil Ramirez, ang insidente kaya tinangka nitong iligtas ang bata subalit maging siya ay pinag­sasaksak ng suspek.

Nabatid na kinuyog na­man ng taumbayan ang sus­pek saka dinala sa himpilan ng pulisya.

Ayon sa mga doctor ng nasabing ospital, ligtas na ang bata sa tiyak na kama­tayan subalit nanatili pa rin itong nasa kritikal na sitwas­yon dahil sa dami ng saksak sa katawan. (Roberto Dejon)

Show comments