^

Probinsiya

2 karnaper tumba sa shootout

- Dino Balabo -

BULACAN – Dalawang kalalakihan na pinanini­walaang notoryus na kar­naper sa iba’t ibang mall ang iniulat na napatay makaraang makipagbarilan sa mga alagad ng batas sa Barangay Loma De Gato sa bayan ng Marilao, Bu­lacan kahapon ng mada­ling-araw.

Kinilala ni P/Sup. Lai­lene Amparo, ang dalawa na sina Jason Torres ng Barangay Pandayan at Jose Galicia ng Barangay Saluysoy na kapwa nasa Meycauayan City, Bula­ can.

Ayon sa ulat, tinangkang parahin ng mga nagpapa­trolyang pulis sa checkpoint sa Barangay Prenza ang dalawang magkaangkas sa motorsiklong walang plaka bandang alas-12 ng mada­ling-araw.

Sa halip na huminto ang riding-in tandem ay pina­harurot ang kanilang mo­torsiklo at pinaputukan pa ng baril ang ilang pulis kaya’t ay hinabol sila kahit maputik ang kalsada.

Inabutan ng pulisya ang dalawa sa bahagi ng na­banggit na barangay saka nakipagbarilan.

Ayon sa pulisya, ang da­lawa ay kabilang sa no­toryus na grupo ng kar­naper na may modus operandi sa malalaking mall sa nabanggit na lalawigan.

vuukle comment

AYON

BARANGAY LOMA DE GATO

BARANGAY PANDAYAN

BARANGAY PRENZA

BARANGAY SALUYSOY

BULA

JASON TORRES

JOSE GALICIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with