^

Probinsiya

2 patay sa dengue

-

Dalawa-katao ang iniulat na nasawi kung saan muling nanalasa ang dengue sa lala­wi­gan ng Iloilo.

Sa  pinakahuling tala ng Iloilo Provincial Health Office na ipina­rating  ka­hapon sa Office of Civil Defense, simula noong Enero hanggang Abril 16, 2008 ay aabot na sa 87 biktima ang naapek­tuhan ng dengue sa ka­buuang bilang.

Noong Abril 2008 ay may 18 kaso ng dengue ang naitala kung saan sa kabuuan ay dalawa na ang nama­matay.

Ang nasabing bi­lang ay higit na mataas kum­para noong 2007 kung saan nakapagtala ng 69 kaso na ikina­sawi ng 3-katao.

Kabilang naman sa lugar na may pinaka­ma­taas na kaso ng dengue ay mula sa 1st district ng Iloilo.

Nangunguna sa ta­laan ay ang mga bayan ng Miag-ao na naka­pag­tala ng 10 kaso, Oton (8) na ikinasawi ng isa sa mga biktima, Tigbauan (7) at ang bayan ng Ajuy na may 5 kaso ng dengue.

Samantala, sa typhoid fever ay aabot sa 127 kaso ang naire­kord sa unang bahagi ng 2008 sa Iloilo.

Kaugnay nito, pi­nag-iingat ng mga lokal opis­yal ang mga resi­dente na isagawa ang kauku­lang hakbang upang maka­iwas sa pagdami ng lamok na nagdadala ng virus sanhi ng dengue. Joy Cantos

ILOILO

ILOILO PROVINCIAL HEALTH OFFICE

JOY CANTOS

NOONG ABRIL

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with