^

Probinsiya

‘Cover-up’ – Obet

- Dino Balabo -

CALUMPIT, Bulacan — Ipinasisibak ni ex-Bulacan Gov. Roberto “Obet” Pag­danganan ang mga pulis sa Bulacan na pinanini­wa­laang nag- cover-up sa pag­patay sa kanyang utol na  dating mayor ng Calum­pit na si Ramon Pag­da­nganan.

Ang panawagan ni Obet ay ipinarating kina DILG Secretary Ronaldo Puno at PNP Director General Ave­lino Razon kung saan da­lawang kalalakihang sus­pek sa pagpatay sa ex-mayor ay napatay naman sa shootout sa bayan ng Bocaue kama­kalawa ng gabi. 

“Hindi ako naniniwalang ‘yung dalawang napatay ay mga responsable sa pag­pa­tay sa aking kapatid,” paha­yag ng dating gober­nador. 

Kinilala naman ang dala­wang napatay na sina Jerry Velasco at isang alyas Jocel na nakipagbarilan sa pulisya sa Barangay Batia, Bocaue noong Martes ng gabi.

Ayon sa pulisya, ang da­la­wa ay positibong kinilala ng dalawang nakasaksing sina Myrna Alfonso at Mar­celo Da­tuin sa pagpatay kay ex-Mayor Monching Pagdanga­nan noong Ling­go ng gabi habang nagdi­riwang ng piyesta ng Brgy. Calizon sa Calumpit.

Kasunod nito, ikinagulat naman nina Alfonso at Da­tuin ang paglalabas ng artist sketch ng mga suspek dahil itinanong lamang daw sa kanila ng pulisya ay kung ano ang suot na damit.

 “Una, nag-speculate sila na NPA rebs ang pu­matay sa kapatid ko, then may pina­lutang na love triangle raw ang motibo, tapos ngayon ay robbery suspects ang sina­sabi nilang killer,” dagdag pa ni Obet.

Binanggit ni Obet na may posibilidad na ang respon­sable sa pagpatay sa kan­yang utol ay isang pulis at barangay captain na aku­sado sa pagpatay sa bayaw ni Calumpit incumbent Mayor James de Jesus na si Dr. Norman Josue noong Mayor 14, 2006.

“Bakit kung sinu-sino ang itinuturong killer, at bakit hindi nila hulihin sina Major Jacqueline Puapo at Leo­bardo Piadozo na po­sibleng malaki ang kaug­nayan ni­lang dalawa sa pagpatay sa kapatid ko,” ani Obet.

“Uminit ang mundo ng kapatid ko mula noong mag­palabas ng order ang Supreme Court na ilabas ni Puapo si Piadozo at ibalik sa Bulacan provincial jail,” pa­hayag pa ni Pagda­nganan.

Batay sa mga doku­mentong hawak ni Obet, inilipat sa San Ildefonso municipal jail si Piadozo dahil sa natatakot siya sa Bulacan Provincial Jail ngunit sa halip na mabi­langgo kumandidato at nanalo pa bilang kapitan si Piadozo.

Nang matuklasan ni ex-Mayor Pagdanganan ay nagsampa siya ng kaso sa Supreme Court, at ‘di-nag­tagal ay nag-atas kina Pua­po at Judge Basilio Gabo at ipaliwanag kung bakit ‘di nakabilanggo si Piadozo. 

Ayon pa kay Obet, dahil hindi maipaliwanag nang maayos, sinentensyahan ng Korte Suprema si Puapo na mabilanggo ng sanbu­wan at magbayad ng P10,000 fine. 

Samantala, nanatili na­mang tikom ang bibig ni Bulacan acting provincial police director Senior Supt. Allen Bantolo hinggil sa nabanggit na isyu. (Dagdag ulat ni Joy Cantos)

ALLEN BANTOLO

BULACAN

OBET

PIADOZO

SHY

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with