Shootout: 3 holdaper bulagta

CAVITE – Tatlo sa apat na kalalakihan na pina­niniwalaang notoryus na holdaper ang iniulat na napatay makaraang ma­kipagbarilan sa mga aw­toridad sa bayan ng General Trias sa Cavite ka­ ha­pon ng madaling-araw.

Kabilang sa mga na­patay ay sina Jerry de la Cruz, Noel Batula at si  Erwin Globio na pawang naninirahan sa Nueve de Pebrero, Mandaluyong City, Metro Manila.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Her­nando Zafra, Cavite police director, nagsasagawa ng checkpoint operation ang pulisya sa may Barangay Pasong Camachile Dos nang mamataan at para­hin nila ang dalawang motor­siklong may magka­ka­angkas na kalalakihan bandang alas-3:15 ng ma­daling-araw.

Dahil sa walang plaka ay pinaharurot ng apat ang kanilang motorsiklo subalit kaagad naman nasundan ng mga awtoridad hang­gang sa magkaputukan sa bahagi ng Aguinaldo Highway na ikinasawi ng tatlo habang nakatakas naman ang isa.

Narekober ng pulisya ang dalawa saman­ta­lang pinaghahanap pa ang isa na nakatakas na pina­ni­niwalaang dumayo la­mang sa Cavite para mag­hasik ng karahasan. Dag­dag ulat nina Ed Amoroso at Joy Cantos

Show comments