^

Probinsiya

Swiss nag-suicide sa palengke

-

CEBU – Isang Swiss national ang kumpir­ma­dong nasawi matapos lu­mundag mula sa ikalawang palapag ng Mandaue City Public Market may ilang metro lamang ang layo sa presinto ng pulisya sa Man­daue City, Cebu kama­ka­lawa.

Kinalala ng pulisya ang nag-suicide na si Norbert Muller, 78, ‘di-pa matiyak kung saan bayan sa Switzerland nakatira at naunang na­pa­ulat na naglayas sa isang pension house dahil wala nang maibayad sa upa nito.

Ayon kay P01 Arthur Cuyos ng Mandaue City police office, namataan ang biktima na palabuy-laboy sa palengke noong Sabado ng umaga at nanghihingi ng panigarilyo.

Napag-alaman din na natulog ang biktima sa ikalawang palapag at isang fish vendor ang nakakita kay Muller na lumundag bago tumama sa metal railings sa daanang paakyat at tuluyang bumagsak sa sementadong kalsada.

Nabatid din na nag-check-in sa isang pension house ang biktima noong Pebrero 11 bago umalis ng walang paalam noong Abril 6 at iniwan ang kasamang Pinay.

Nakipag-coordinate na ang pulisya sa Bureau of Immigration and Deportation (BID) upang maipadala ang bangkay ng biktima sa kanilang bansa. Edwin Ian Melecio

ARTHUR CUYOS

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

EDWIN IAN MELECIO

ISANG SWISS

MANDAUE CITY PUBLIC MARKET

NORBERT MULLER

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with