Sulyap Balita

Taiwanese trader dinedo

LUCENA CITY  – Isang saksak ang kumitil sa buhay ng isang  38-anyos na Taiwanese trader mula sa ‘di-pa kilalang lalaki na negosyante sa labas ng kanyang tindahan sa Claro M. Recto Street, Barangay 6, Lucena City, Quezon kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Kevin Hong y Wu, may-asawa. Patuloy naman ang imbestigasyon at inaalam ang posibleng pagkakakilanlan sa suspek na ayon sa mga nakasaksi ay dating helper na pinalayas sa tindahan ng biktima. Sa imbestigasyon ni SPO3 Renato Pelobello, nakatayo sa labas ng JAS Plastic Ware Store ang biktima nang lapitan at saksakin ng suspek. Nang duguang bumagsak sa kalye ang biktima at humalo sa karamihan ng tao ang suspek at tuluyang tumakas. Posibleng nagtanim ng galit ang suspek kaya gumanti. (Tony Sandoval)

Killer ng sariling misis, tiklo

CAVITE – Isang retiradong sundalo ng Phil. Army na pinaniniwalaang sangkot sa pagpatay sa sariling misis noong Enero 2008 ang dinakip ng mga awtoridad sa bayan ng Tanza, Cavite kamakalawa. Pormal na kinasuhan habang nakakulong ang suspek na si Garculo Saranillo, 42, ng Pabahay 2000 sa nabanggit na bayan. Inamin naman ng suspek ang pagpatay sa sariling asawa noong Enero 18 kung saan pinagtataga niya bago sinunog sa loob ng palikuran sa Brgy De Ocampo, City Land, Trece Martirez City, Cavite. Napag-alaman din sa ulat ni SPO1 Celino Javier, na positibong itinuro ng anak ang kanyang ama na responsable sa pagkawala ng kanyang inang si Anabelle Saranillo na natagpuan ang kalansay na sunog noong Febrero 2, 2008 sa nabanggit na lugar. (Cristina Timbang)

8 sugatan sa LPG blast

Walo-katao ang kumpirmdong nasugatan kabilang ang apat na taong gulang na babae makaraang sumabog ang tangke ng liquified petroleum gas (LPG) sa kanilang tahanan sa Barangay Talon-Talon, Zamboanga City kamakalawa. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nagluluto ng pananghalian si Fe Lumasay nang su­mingaw at sumabog ang tangke ng LPG. Si Fe ay kasalukuyan pang inoob­ serbahan sa ospital dahil sa tinamo nitong grabeng lapnos sa katawan. Ang iba pang biktima ay nagtamo naman ng 1st at 2nd degree burns at naisugod sa Zamboanga City Medical Center. Ang pagsabog ay lumikha ng sunog sa tahanan ng pamilya Lumasay. (Joy Cantos)

Nag-amok na senglot tinodas

Humantong sa kamatayan ang pag-aamok ng isang senglot na lalaki makaraang  barilin ng isang sundalo sa Barangay Nag­binlod sa bayan ng Sta. Catalina, Negros Oriental kamakalawa. Base sa ulat na isinumite sa Camp Crame, unang tinaga sa leeg ng senglot na si Sulpicio Villamor ang sibilyang si Sonny Alagamo na malubhang nasugatan. Agad namang rumesponde si Private First Class Roli Bautista subalit tinaga rin ito ni Villamor kaya napilitang barilin nang dadaluhungin itong muli ng itak. Patuloy naman ang imbestigasyon sa naturang insidente.  (Joy Cantos)

Hepe binoga ng rookie cop

Isang chief of police sa bayan ng Maydolong sa Eastern Samar ang iniulat na nasugatan makarang barilin ng kaniyang tauhan na  nasermunan sa loob mismo ng himpilan ng puisya, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Police Regional Office (PRO) 8 Director Chief Supt. Abner Cabalquinto ang nasugatang si P/Inspector Edwin Barbosa, 36 habang nahaharap naman sa kasong administratibo at kriminal ang suspek na si PO1 Wintrop Caspe. Batay sa report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente matapos kastiguhin ni Barbosa si Caspe dahil sa hindi nito pagre-report sa duty ng walang paalam. Maliban dito ay nag-report sa duty si Caspe ng nakainom kaya lalo itong pinagalitan hanggang sa pauwiin na lamang ng nasabing opisyal. Ilang oras lamang ang nakalipas ay bumalik sa himpilan si Caspe na bitbit ang M 16 Armalite rifle at binaril ang nasorpresang opis­ yal. Mabilis namang sinaklolohan ang biktima ng kaniyang mga tauhan at isinugod sa pagamutan sa Borongan City. Idineklarang nasa ligtas ng kalagayan si Barbosa habang patuloy na pinag­ hahanap si Caspe para panagutin sa insidente. (Joy Cantos)

Tirador ng celfone

CAMARINES NORTE - Bumagsak sa kamay ng pinagsanib na elemento ng Criminal Investigation and Detection Group  (CIDG) at Daet  PNP ang isang wanted person na pinaniniwalaang tirador ng celfone makaraan masakote sa Purok 3, Barangay 4 sa bayan ng Daet kamakalawa ng hapon. Armado ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Roberto A. Escaro ng Daet Regional Trial Court Branch 38, ang suspek na si Arly “Angge” Cabarle, 24 na may kasong frustrated homicide. Nabatid na tinangka pa ng suspek na tumakas subalit mabilis na nadakma ng mga awtoridad bandang alas-2:30 ng hapon. Kasalukuyang nakakulong ang suspek at may piyan­sang P24,000 para sa pansamantalang kalayaan. (Francis Elevado)

Show comments