^

Probinsiya

2 sundalo nilitis sa kangaroo court

-

Nililitis ng kangaroo court ang dalawang sundalong Prisoners of War ng mga rebel­deng New People’s Army  matapos bihagin sa Mon­kayo, Compostela Valley noong isang linggo.

Sa isang press statement na ipinadala sa media ni Rigoberto Sanchez, spokesman ng Merardo Arce Command sa ilalim ng NPA Southern Mindanao Regional Operations Command, tiniyak nito na buhay pa at nasa mabuting kala­gayan ang mga bihag na sina Staff Sergeant Napoleon Jerasmeo ng 11th Regional Command Defense Group at Staff Sergeant Huberto Corbita ng K 9 unit ng Armys 28th Infantry Battalion.

Ang mga ito ay binihag ng may 30 NPA rebels sa Brgy. Upper Ulip, Monkayo, Com­pos­tella Valley noong Abril 25 ng taong ito matapos na mag­­sagawa ng checkpoint sa highway ng nasabing lugar ang komunistang grupo.

Ayon kay Sanchez, ang da­­lawa ay isinasailalim sa paglilitis ng Kangaroo court o ang hukumang bayan ng NPA upang alamin kung may pag­kakautang ang mga itong dugo sa bayan, paglabag sa karapatang pantao  o kaya ay may nagawang war crimes. (Joy Cantos)

COMPOSTELA VALLEY

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

MERARDO ARCE COMMAND

NEW PEOPLE

PRISONERS OF WAR

REGIONAL COMMAND DEFENSE GROUP

RIGOBERTO SANCHEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with