3 NPA tiklo sa checkpoint

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang mga rebeldeng New People’s Army ( NPA ) na tumatayong kolektor ng revolutionary tax sa mga negosyante ang nasakote ng pulisya sa checkpoint sa Centro Poblacion, Sto. Domingo, Albay kamakalawa ng hapon.

Isinasailalim na sa tactical interrogation habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa mga suspek na sina Allan Serrano, 28, ng Legazpi City; Ferdinand Nolasco, 29, ng Lumacao, Guinobatan, Albay; at si Edward Amaro, 22, ng Barangay Catumag, Guinobatan  Albay.

Ayon kay P/Senior Supt. Joel Baloro, provincial police director, nasakote ang tatlo ha­bang magkakaangkas sa motor­siklong walang plaka.

Nakumpiska sa tatlong tauhan ni Ku­mander Ka Palong ang dalawang baril, mga bala at hindi nabatid na halaga na pinaniniwalaang nagmula sa mga trader na nakolektahan ng revolutionary tax. (Ed Casulla)

Show comments