Barangay captain sugatan sa ambush

BATANGAS – Isang 36-anyos na barangay captain ang nakaligtas sa tiyak na kamatayan makaraang tam­bangan ng mga ‘di-pa kila­lang kalalakihan sa Narrat Street, Mt. View Subd, Po­bla­cion 3, Tanaunan City, Ba­tangas noong Lunes ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Supt. David Quimio, Ba­tangas police director, ang bik­timang si Chairman Ma­cario “Mike” Galicia ng Ba­rangay Pantay Matanda.

Ayon sa ulat, katatapos lang dumalo ni Galicia sa flag raising ceremony sa City Hall nang ratratin habang sakay ng Toyota Corolla (UFS-703). 

Isinugod si Galicia sa Daniel Mercado Medical Center pero inilipat din sa Mary Mediatrix Hospital sa Lipa City matapos magtamo ng mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan. Inaalam pa rin ng mga awtoridad ang motibo ng krimen. (Arnell Ozaeta)

Show comments